Wednesday, December 19, 2007

O kay bilis ng panahon
Namalayan bang tapos na ang taon?

Mga ngiti't mga tawang
Pinagsamahan sa bawat oras

Kaya mo bang iwanan?
Kaya mo bang kalimutan?

Ang pagkakaibigan at pagmamahalan
Dulot ng bawat isa
Ng bawat araw na tayo ay magkasama

Hindi ko malilimutan ang ating samahan
Hindi ko tatalikuran ang ating pagkakaibigan

Hirap na nakamit
Sa bawat tawa nasusulit

Sa oras na ika'y bibigay
Kami sayo'y nakaalalay

Wag mong kalimutan
Wag mong talikuran

Ang pagkakaibigan at pagmamahalan
Dulot ng bawat isa
Ng bawat araw na tayo ay magkasama

Hindi ko malilimutan ang ating samahan
Hindi ko tatalikuran ang ating pagkakaibigan

...

Tayo ay magkakalayo
Sasabak na sa ibang mundo

At kung di mo na kakayanin
Kami'y nandito para ika'y akayin

Wag mong kalimutan
Wag mong talikuran

Ang pagkakaibigan at pagmamahalan
Dulot ng bawat isa
Ng bawat araw na tayo ay magkasama

Hindi ko malilimutan ang ating samahan
Hindi ko tatalikuran ang ating pagkakaibigan


GRAD SONG
- Russel ^__^

1 comment:

Anonymous said...

hahahaha!!!

Kala ko naman gawa mo!

hehehe..